Fetus, itinapon sa simbahan

BAGUIO  CITY - Nagulantang  ang  mga  parokyano  ng  simbahan  matapos  na  matagpuan  ang  isang  fetus  sa  Baguio  Cathedral  Church.

Ayon kay PSI Henry Domogan, station 7 commander, kasalukuyang  nagpapatrolya  ang  security  guard  ng  simbahan  nang  makita  ang tatlong buwang gulang na fetus na nakasilid pa sa isang paper bag.

Kaagad naman itong itinawag ni Domogan sa  mga  otoridad.

Nag-alay  naman ng  dasal  si  Rev.  Manny  Panayo  para  sa  natagpuang  fetus  bago  dinala  sa  Knight  of  Columbus  Cemetery  upang  mabigyan  ng  disenteng  libing.

Dahil  dito,  nagsasagawa  na  ng  masinsinang  imbestigasyon  ang  grupo  ni  PSI  Domogan  upang  malaman  kung  sino  ang  walang  awang  ina  na  nagtapon  sa kanyang anak.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter